Kamusta kaibigan,

Malugod na tinatanggap kayo sa aking munting blogspot.

Kung may nakita kayong interesante, sumasang-ayon ka sa aking mga opinyon, o gusto mo ang mga sinusulat ko,

Magpuna kayo.

at

Add niyo ako.

Salamat sa iyong pagdalaw.

Sa malinggit na gawaing iyon, lalo pa akong nagaganahang magsulat.

Gumagalang,

Bo Jong H. Kim

bakasngmadla.blogspot.com

Macadengdeng

Powered By Blogger

Bugtong

Bugtong

Salawikain

Salawikain

Tula

Tula

Video

Tungkol sa akin

Addis Ababa, Oromiya, Ethiopia
Ako si Bo Jong, isang karaniwang bata. Ako'y 14 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa International Community School ng Ethiopia. Ang nanay ko'y Filipina, at tatay ko'y Koreano. Magkatulad silang eengineer at masipag na magulang. Mahilig ako mag-sports, lalung-lalo na ang tennis at paglangoy. Sa huli, ako'y mahiyain ngunit palakaibigan.

Sabado, Enero 31, 2009

Alang-alang sa isang Inang mahal, Lolang may pusong mapagmahal





Parang kailan lang

Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin

Dahil sa inyo

Napunta ako sa nais marating

Nais ko kayong pasalamatan 

Kahit man lamang isang awitin

 

Parang kailan lang 

Halos ako ay magpalimos sa lansangan

Dahil sa inyo 

Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman

Kaya't itong awiting aking inaawit

Nais ko kayong handugan

 

Parang kailan lang 

Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan

Dahil sa inyo

Narinig ang isip ko at naintindihan

Dahil dito'y ibig ko kayong ituring

Na matalik kong kaibigan

 

Tatanda at lilipas din ako 

Ngunit mayroong awiting

Iiwanan sa iyong alaala

Dahil minsan, tayo'y nagkasama

~

  8 na ng gabi sa Korea, kakatapos ko lang maghapunan noon. Lumakad ako patungo sa aking kuwartong malaki, kung saan ako’y laging naglilibangan sa aking kompyuter. Umupo ako sa upuuan kong matibay at tsaka ko lang binuhay yung kompyuter ko. Binuhay ko rin yung aking maliit na T.V. para manood ng kung anu-anong Koreanong telenovela, bagamat parating hindi ko naiintidihan ang mga huntahan ng mga tauhan sa storya. Lumabas na ang log-in screen sa aking kompyuter. Minakinilya ko ang aking password na mahaba. Pinindot ko yung enter at naghintay. Sa sandaling iyon, isang nakakatawang palabas sa T.V. ang umagaw sa aking atensyon. Habang nakasentro ang aking mga mata sa T.V., hindi ko napansin na nalog-in ako sa Yahoo Messenger.

 

(tsinek ko kasi ang;

[   ] Remember my ID & password 

[   ] Sign in automatically

‘di umano sa huli kong paggamit ng kompyuter)

 

  Pagkalipas ng ilang minuto, (siguro mga lima o anim) nawala yung nakakatawang palabas sa T.V. at napatingin ako ulit sa aking kompyuter. Ako’y muntik nang mahulog sa aking upuuang matibay nang binasa ko yung IM (mensahe) na pinadala sa akin ni Kuya Macmac, isang pinsang ka-klose. Sa aking pagtataranta, wala akong ginawa kun’di umiyak sa balitang bigla lang siniwalat sa akin.

 

  Hindi pa-sikut-sikot ang sinabi ni Kuya Macmac sa akin. Kumbaga, diretso ang kanyang mga salita.

  Nakalagay sa screen ng kompyuter ko;

 

Macgyver: wala na si lola

~

  Enero 3, 2009, namatay ang lola ko dahil sa Cardiac Arrest na dulot ng kanyang diabetes. Siya’y 84 taong gulang nang yumao. ‘Buti nga lang naabutan niya ang makulay na pasko’t masigasig na bagong taon. Datapuwat, ako’t aking pamilya’y hindi nakasama si lola sa mga pagdiriwang na ito, kasi nandoon kami sa Korea, nagbabakasyon.

 

  Nanatili siya sa Preimer General Hospital (PGH) kung saan siya’y dahan-dahang humina mula Disyembre 25 hanggang Enero 3. Naawa talaga ako sa kanya. Ngunit, hindi ako nakatulong sa kanya sa kahit anong paraan noong may sakit siya. Hindi man lang ako nakabantay sa kanya noong binisita namin siya sa Baler (mga Disyembre 21-22 ito). Kasi sa halip na bantayan ko siya sa mga araw na iyon, ako’y naglalaro ng DOTA. Ang ubod na masama pa rito ay hindi ako nagpaalam o nakapag-“I love you lola” nangg maayos noong paalis na kami patungong Korea, galit kasi ako sa araw na iyon. 

 

  Naghihinayang pa rin ako hanggang ngayon.

 

  Noong huli ko siyang makita, bago kami bumalik sa Maynila, siya’y mukhang malusog at malakas pa. Kaya noong kami’y pabalik ‘tungo Maynila, ang kalooban ko’y naging panatag may nararamdamang katiwasayan.

 

  Kinabukasan, Disyembre 23, 2008, pinalabas ng doktora si lola sa ospital. Sabi ni doktora;  

  “Okay na po kayo, basta kumain ka ng marami at iwasan ang mga aktibong gawain.”

 

  Nang masagap ko ang balitang ito noong umagang iyon, lalo pang gumaan ang aking loob. Kasalukuyan kong hinahanda yung aking bag noon. Mga ika-3 ng hapon kasi ang aming paglipad patungong Korea.

 

  Pansamantala lang pala ang nararamdaman kong kaligayahan. Habang kami’y nasa eroplano papunta Korea, ang lola ko’y pabalik sa Ospital (dahil sa astma ‘ata) kung saan siya maglalaan ng kanyang natitirang araw sa mundong ito. Ang pangyayaring ito’y dulot ng aking KALUNGKUTAN sa likod ng KASIYAHAN.

 

Petsa

 Ako

Lola

December 25

(Pasko)

  Unang gabi namin sa Korea. Pagdating namin, sinundo kami kaagad ng tatay ko (Koreano siya). Napakalamig noon! Sa lamig, wala akong maramdaman sa balat ko. Natulog ako kaagad, para bale-walain ang lamig na ito.

  Inaatake siya ng astma. Naroon si Kuya Windale, nars na nobyo ng isang pinsan ko, para tumulong kay lola mag-oxygen.

December 26

  Nagpahinga lang kami sa araw na ito. Ewan ko lang kung saan namin nakuha yung pagod na ito, jetlag ‘ata.

  Nahihirapan na siyang huminga dahil sa kanyang matinding ubo. Naka-oxygen pa rin siya.

December 27

  Magpaparehistro kami para sa bagong Korean pasaporte. Yung lumang pasaporte namin kasi hindi na magagamit sa darating na bagong taon. Kaya yun ang ginawa namin sa buong araw na ito. Pagkatapos, kumain at naglakwatsa sa HOMEPLUS, isang malaking mall na pinag-aari ng kompanyang SAMSUNG.  

  Natulog naman kami kaagad, palibhasa may pupuntahan kaming lugar na malayo (probinsya ng tatay ko).

  Nawalan ng gana para kumain simula mula araw na ito.

 

December 28

  Pumunta kami sa Gwang-Ju, yung parang “historical” na lugar dahil sa mga “People power” na nangyari dito. Kumbaga, sa Pilipinas, parang EDSA ang lugar na ito. 

  Malaki ang Gwang-Ju, dami kasing matatangkad na gusali, na ang bilang ng palapag nila’y minsan umaabot sa 25.

  Dito, binisita namin ang mga libingan ng lolo’t lola ko. Yung magulang ng tatay ko.

  Siya’y dahan-dahang humina,

December 29

  Diretso kami papunta sa isa pang probinsya, Yong-Pyong, kung saan karamihan ng mga kapatid ng tatay ko’y naninirahan. Dito kami nagpalipas ng isang gabi.

  sa araw na ito,

December 30

  Nandito pa rin kami (hapon na). Nagisnow kaninang umaga. Dami! Magkapataid kaming naglaro sa isnow.

  Bumalik kami sa aming bahay sa Ansan, isang malaking siyudad.

  at sa araw na ito.

January 1

(Bagong taon)

  Wala kaming ginawa sa huling tatlong araw dito sa Korea.

  Sabi ni doktora, may malaking porsyentong mamamatay si lola. Umasa na lang ako sa maliit na porsyentong mabubuhay siya.

January 2

  Naiinip sa bahay.

  Hindi na gumagana ang mga gamot sa kanya. Naka-NGT na siya noon.

*January 3

  Mcgyver: wala na si lola

  Siya’y namatay habang humihimbing.

  *Sa mga sandaling nahihirapan si lola, tinatawagan niya si Tita Angie, Tito Leo, at si Ate Yumi (mga kamag-anak na nagtratrabaho sa ibang bansa) para lang sila'y makausap. Nakausap 'ata namin si lola noong Disyembre 29. Medyo mahina na siya. Ayaw ko siyang kausapin kasi baka lalo pang maglala ang loob ko sa kanyang paghihirap. Ang paraang ito'y tila nagsilbing remedyo sa kanyang paghihirap.  

 

  Sa mga araw na ito'y hirap lang ang naramdaman ko. Wala ako sa sarili. Hindi kasi ako makapagpasya kung ano ang dapat kong ginawa noong nandiyan ako kasama siya. Simula Enero 3, ito yung pinagmumunian ko. Araw-araw, gabi-gabi, naghihinayang sa nangyari.

 

  Ano reaksyon ng nanay ko sa pangyayari? Siyempre malungkot. Papaanong hindi, mahal na mahal niya si lola. Umiyak siya sa tahimik na gabing iyon. Wala akong nagawa kundi sumabay sa kanyang mga emosyon. Ang iyakang ito'y tumagal nang dalawang oras. Eh, Nalubayan ang iyak naming mag-ina dahil sa antok. Mga 11 ng gabi noon.

 

  Ano reaksyon ng kapatid ko? Wala. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit, kaya huwag mo ako tanungin.

 

  Ano ginawa ng tatay ko? Sinubukan niyang tawagan ang airport, upang bumili ng mga tiket patungong Pilipinas. 

~

  Pagkatapos mamatay si lola, mula Korea, kagyat kaming bumalik sa Pilipinas at nagtuloy papuntang Baler. Isang linggo ako mag-aabsent. Habang nag-aaral mga kaklase ko, ako’y nagdarasal, binabantayan ang kabaong ni lola, o di kaya’y naghahain ng pagkain para sa mga bisitang nakikidalamhati’t nakikiramay. Ito ang aking ginawa sa buong linggong nagdaan. Kasi, ililibing na si lola sa darating na Sabado kasama si lolo (kasi ang nanay ko’y nagpasyang kuhanin ang mga labi ni lolo sa kaniyang kabaong at ilagay sa isang bago’t maliit na kabaong)

 

  *Ito yung pinaka-unang karanasang namatay ang isa sa mga tao kong minamahal (pamilya’t kaibigan). Kaya marami akong natutunan hinggil sa kultura ng Pilipino kapag namatay ang isang tao (Mga tradisyon, o yung mga dapat at bawal gawin).

 

  Pagdating ng Sabado, nagmisa kaming lahat. Pati na ang mga kamag-anak galing Borlongan (isang lugar sa Aurora na sakop ng bayan ng Dipaculao). Salamat sa Diyos at nakapunta sila rito. Pagktapos, nagmartsa kami kasama ang kabaong ni lola’t lolo papunta sa libingan. Pagkalibing nila’y nagsi-iyakan na ang lahat, ako rin. Yung isipan ko kasi’y punong-puno ng mga alaalang kasama ko si lola. Mula sa kanyang pag-aalaga sa’kin hanggang sa lagi akong pinagsasabihang “Bo Jong, mag-aral ka nang mabuti ah!” na may malaking ngiti sa mukha. Bumalik kami sa bahay at naligo sa tubig na pinagkuluan kasama ang dahon ng bayabas. Ginagawa raw ito para umalis ang lahat ng sakit at para hindi ka sumunod sa namatay. Tanghalian na’t hindi ako kumain, pina-una ko kasi yung mga bisitang nakiramay. Sa halip na kumain, natulog na lang ako.

 

  Nagising ako mga alas tres na ng hapon. Ang sakit ng ulo ko, parang may sumampal sa akin ng maraming beses. “Hang-over” daw sa pag-iiyak ko kanina.

 

  Bagamat, masakit ang ulo ko, hindi ko pa rin mapigil ang pagalala ko kay lola. Sabik na sabik na ako sa kanyang mga ngiti, sa kanyang mga halik na parating basa, at sa papel niya mismo sa buhay ko.

 

  Biglaan. Lahat ng pangyayari’y naganap nang bigla.

 

  At yun ang nangyari sa buhay ng lola ko. 84 taon sa mundo’t ngayon panahong walang hanggan sa langit. Ganyan talaga ang buhay. Nilikha tayong lahat ng Diyos na may pagkakataong mabuhay dito sa mundo, hanggang sa ating katapusan, ang kamatayan.

 

  Kagaya ng sinabi ng guro ko sa AP, si Gng. Banasihan;

  “Ang lahat ng bagay sa mundo’y may katapusan, tayo rin.”

 

  At ito yung sumalubong sa aking lola, yung kanyang katapusan sa mundo. Ngunit, nandiyan na siya sa langit, walang hanggang panahong nabubuhay kasama ang Diyos.

 

  Sa paglaon ng isang buwan, ako’y natutong tanggapin ang katotohanang ito. Na sa huli, lahat na tayo’y mamatay; matatapos ang ating buhay sa mundo't matutuloy sa langit.

 

  Bagaman, si lola’y namatay, naabutan naman niya ang lahat ng inaalok ng buhay sa kanya. Nagkaroon ng maraming mabubuting anak at apo. Nakapunta as ibang bansa. Nagkaroon ng sariling bahay. (at marami pa!)

 

  Ito’y dahil sa kanyang kasipagan. Ito yung pagsusumikap niya mula buhay-mahirap hanggang sa maayos na buhay. Inahon niya ang sarili’t kanyang pamilya sa kahirapan. Kaya tignan mo ngayon yung mga bunga ng kanyang kasipagan. 

 

  Dahil dito, namatay siya nang walang problema sa loob. Kumbaga, mapayapa siyang namatay. Alam niya kasi na ginampanan nang mabuti ang lahat ng tungkulin niya bilang lola’t ina sa aming lahat.

~

Mga nakakatawang dahilan “daw” ng pagkamatay ni Lola;

1. Sinundo ni lolo si lola

-Anibersaryo ng pagkamatay ni lolo kasi sa Enero 4. Eh, nagbibiruan yung mga pinsan ko na sabik na sabik si lolo kay lola. Palagay ko, sabik na sabik na rin siguro si lola kay lolo. Papaanong hindi, 18 taon na ang nakalipas na hindi mo kasama ang isa sa pinakamamahal mong tao sa buong mundo, ang iyong asawa. He he he. Nakakatuwang isipin ang kanilang “Lab stori”.

 

2. Nandiyan kasi si Tita Sol noong si lola’y namatay

-Karamihan kasi ng mga namtay sa pamilya ko (mga pinsan, tita, tito atbp.) ay nandiyan si Tita Sol. Palagi kasi siyang nagbabantay at ‘di umano palaging natietiempohan ang oras ng kamatayan. Mwahahahaha.

 

3. May anting-anting siya

-Naghinala ang mga tiyo’t tiya ko sa kalakasan ni lola dalawang araw bago tuluyang mamatay. Sa panahong iyon, meron daw siyang NGT o Nasal Gastro Tube (yung pinapasok sa ilong hanggang intestines), tapos tinaggal ni lola ito habang nag-iidlip ang kanyang mga bantay. Eh, ngayon, naghihinala kaming lahat kung paano niya nakakuha ng kalakasang tanggalin ang NGT. Sakit kaya nun! Kami’y nagdududa na ang kalakasang iyon ay galing sa anting-anting. Sabi nila, kung binitaw mo na ang anting-anting, kagyat kang mamamatay. Kumbaga, para siyang "life extender".  Hanggang ngayon hindi ko alam kung totoo nga ang mga kakahayan ng anting-anting. He he, nakakatakot ‘no?

~

  Sino ang nag-aalaga sa iyo kapag wala ang magulang mo?

  Sino ang iyong tagapagtanggol sa mga sandaling pinagagalitan ka ng magulang mo?

  Sino ang patnubay mo sa mga suliranin sa buhay?

  SAGOT: Lola't lolo mo

  

  Sa pangkalahatan, isang mensahe lang ang gusto kong iparating ko sa inyo (mga mambabasa). Samantalahin mo yung mga pagkakataong kasama ang lolo't lola niyo para ibigay ang iyong pagmamahal sa kanila. Ito'y hindi ko nagawa, at tignan mo, pagsisisi lang ang naghintay sa'kin sa dulo ng lagusan. Kaya magpasalamat ka na mayroon kang lola't lolo.  

  

  Sa kantang “Handog” ng bandang Florante, makikita ang epekto ni lola sa buhay naming lahat pati na ang bubot kong buhay. Kung wala siya, hindi makokompleto ang “puzzle” ng buhay ko. Para sa akin, siya ang mga gitnang piyesa ng “puzzle”; ang mga piyesang pundasyon sa pangkalahtang pagkatao ko. Kaya hindi ko siya malilimutan magpakailanman. Salamat Lola, sa pagmamahal niyo. Salamat Lola, sa iyong pag-aaruga sa amin. Salamat Lola, salamat sa lahat…

  

  Sa aming araw-araw na pamumuhay ika'y laging nakatatak sa aming mga alaala. 

 

  Ang buhay mo kasi'y naging inspirasyon sa lahat.  

~

Parang kailan lang

Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin

Dahil sa inyo

Napunta ako sa nais marating

Nais ko kayong pasalamatan 

Kahit man lamang isang awitin

 

Parang kailan lang 

Halos ako ay magpalimos sa lansangan

Dahil sa inyo 

Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman

Kaya't itong awiting aking inaawit

Nais ko kayong handugan

 

Parang kailan lang 

Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan

Dahil sa inyo

Narinig ang isip ko at naintindihan

Dahil dito'y ibig ko kayong ituring

Na matalik kong kaibigan

 

Tatanda at lilipas din ako 

Ngunit mayroong awiting

Iiwanan sa iyong alaala

Dahil minsan, tayo'y nagkasama

 

Para sa lola kong mahal. 

 

Gumagalang,

Bo Jong H. Kim