Ayon sa "Bagong Diksyunaryong Pilipino-Pilipino" ni Julio F. Silverio, ang kahulugan ng salitang 'bakas' ay;
bakas, png., marka, tanda,
palatandaan, labi, bestihi-
yo, dasto, bakat, bahid
Ano ang bakas na sinasabi ko sa pamagat ng aking website?
Simple lang ang sagot ko.
Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa internet (o yung pagbloblog), na karamihan sa mga narito'y batang-bata pa at magaling na magsulat, maaari nating samantalahin ang karapatang ito upang ukitin sa utak ng mga tao ang mga hinahangad nating pagbabago sa mundong ito. Sa madaling salita, ginagawa ko yung aking tungkulin bilang Filipino, bilang Kristyano, at bilang tao, sa pamamagitan ng pagbloblog.
Hindi mo naintindihan ang sinabi ko? Wag kang mag-alala, lilinawin ko pa.
Ako'y bahagi ng madla, na gusto mag-iwan ng isang mabuting bakas sa mundo para sa susunod na henerasyon. Bawat taong kasapi sa madlang ito'y may kanya-kanyang estilo para mag-iwan ng mabuting bakas. Bagamat, may kanya-kanyang estilo, meron din kaming pagkawangis sa isa't-isa. Ito ang paggamit ng kanya-kanyang talento at galing sa iba't-ibang aspeto ng buhay. Mangilan-ilan ay pumapasok sa industryang musika na dulot ng kanilang husay sa pag-awit o pagigitara. Ang iba nama'y nagpapari na dahil sa kanilang galing na pagsermon at pakikipag-usap sa mga tao. Ang ilan naman (bihira lang pumapasok dito) ay nagsusulat at nagbloblog. ~ Ako'y nadawit sa grupong ito, at unti-unti kong natuklasan ang kursong pagsusulat.
Ang gusto ko lang sabihin, iyon ang layunin ng mga blog ko, na nawa'y sa aking pagsusulat, magbigay ng inspirasyon para ikaw rin (mga mambabasa) ay tatayo't sasali sa landas ng pagbabago. Sa pag-iiwan ng mabuting bakas, marami kang mararanasang suliranin (Ano ang mga suliranin? depende sa iyong estilo). Kaya sinasagisag ng iyong pagtahak sa landas na ito, ang lakas mo bilang Filipino, bilang tao, at bilang alagad ng Diyos. Na sa pag-iwan mo ng mabuting bakas, ang pagbabago ng mundo'y iyong mararating sa dulo ng landas.
Maraming salamat po.
Bo Jong H. Kim
Ang Baks ng Madla ay isang mahusay na pagkakasulat kaibigan. Bilang isang manunulat din, ako ay umaayon sa iyo sapagkat napakahalaga na tayo ay may maiwang alaala sa mga susunod na henerasyon na may layong magturo at mag-iwan ng mga mahahalagang mensahe na magmumulat sa kanilang kaisipan kahit pa lumipas ang maraming taon... Sa lahat ng mga manunulat sa mundo, buhay man o namayapa na, ako'y sumasaludo sa inyo
TumugonBurahin