Kamusta kaibigan,

Malugod na tinatanggap kayo sa aking munting blogspot.

Kung may nakita kayong interesante, sumasang-ayon ka sa aking mga opinyon, o gusto mo ang mga sinusulat ko,

Magpuna kayo.

at

Add niyo ako.

Salamat sa iyong pagdalaw.

Sa malinggit na gawaing iyon, lalo pa akong nagaganahang magsulat.

Gumagalang,

Bo Jong H. Kim

bakasngmadla.blogspot.com

Macadengdeng

Powered By Blogger

Bugtong

Bugtong

Salawikain

Salawikain

Tula

Tula

Video

Tungkol sa akin

Addis Ababa, Oromiya, Ethiopia
Ako si Bo Jong, isang karaniwang bata. Ako'y 14 taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa International Community School ng Ethiopia. Ang nanay ko'y Filipina, at tatay ko'y Koreano. Magkatulad silang eengineer at masipag na magulang. Mahilig ako mag-sports, lalung-lalo na ang tennis at paglangoy. Sa huli, ako'y mahiyain ngunit palakaibigan.

Sabado, Pebrero 28, 2009

Kapag may Tiyaga, may Nilaga


  Sa isang bahay sa Tondo, Manila may nakatirang batang masiyahin na pinangalanang Joshua. Siya at ang kanyang pamilya ay mahihirap datapuwat may kaya pa rin. Ang nanay niya’y namamahala sa kanilang munting Sari-sari store at ang kanyang tatay naman ay isang Janitor sa isang Pampublikong Paaralan. Sa kasalukuyan, si Joshua’y nasa ika-apat na taon sa mataas na paaralan at ilang linggo na lang, magkokolehiyo na siya. Ang kanyang pamilya ay umaasa sa kanya na balang araw, sila’y aahon sa mahirap na buhay na dahil Joshua.

  Ilang buwan na nga lang at magkokolehiyo si Joshua, ngunit may problema siya. Ito’y isang hadlang sa kanyang landas ‘tungo sa Kolehiyo. Kung hindi niya malulutasan ang suliraning ito ay hindi pa siya puwedeng magkolehiyo. Ano ang problema niya? Siya’y bumabagsak sa asignaturang Math. At alanganin ito palibahasa ang mga huling mahabang pagsusulit ay magaganap sa susunod na lingo.

  Kaya sa mga araw bago maganap ang eksam sa Math ay nag-aral siya nangg maigi. Araw-araw, gabi-gabi, wala nang ibang pinagmumunian kun ’di ang araw na iyon.

  Yan na! Dumating ang araw na sana’y ‘di hinatid ng tadhana ni Joshua. Subalit, wala na siyang magagawa, kasi nariyan na siya sa silid-aralan, nakaupo, at hawak-hawak ang kanyang lumang “Panda” bolpen na halos wala nang tinta.

  Maagang nagsimula ang mga pagsusulit at Math ang una. Habang ito’y nagaganap, siya’y hindi makapaniwala na medyo madali ang pagsusulit, ito’y ‘di umano dulot ng kanyang pag-aaral nang maigi. Dahil dito, ang kalooban niya’y lalo pang gumaan at nakaramdam ng munting katiwasayan.

  Pagkalipas ng ilang araw, ay nalaman na ni Joshua ang bunga ng kanyang pagtiyatiyaga. Ito ay isang 98/100 sa Math eksam. Si Joshua’y umiyak sa labis na kasiyahan dahil abot-kamay ang kanyang hangarin sa buhay, ang pagpunta sa kolehiyo. At masaya rin siya dahil pagkatapos ng kolehiyo, kagyat siyang maghahanap ng magandang trabaho upang tumulong sa mahihirap niyang pamilya.

Wakas.

Gumagalang,                                                                                                                                              

Bo Jong H. Kim

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento